Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nakikitang alternatibong mapagkukunan ng isda ang Laguna Lake upang mapababa ang presyo nito sa merkado.
Ayon kay Agriculture Secretary Laurel Tiu, target nitong mapataas ang produksyon ng isda upang mapababa ang presyo sa mga pamilihan.
Gaya aniya ng Bangus na target na mapababa ng P50-P70 kada kilo.
Binigyang diin din ng kalihim na dapat ma-maximize ang potensyal ng Laguna Lake na makatutulong upang maabot ang target ng DA.
Batay sa datos ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), tinatayang nasa 90,000 tonelada ng isda ang napo-produce ng Laguna Lake kada taon na nakatutulong sa kabuhayan ng 13,000 mga mangingisda.
Kaugnay nito makikipagpulong ang DA sa LLDA upang mapag-usapan ang mga plano at programa Laguna Lake.
Inatasan na rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang suriin ang water quality ng Laguna Lake kada quarter at pag-aaralan ang capacity nito. | ulat ni Diane Lear