Mariing kinondena ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang nangyaring ambush sa Munai, Lanao Del Norte noong Enero 3, kung saan nasawi ang dalawang army intelligence officers.
Labis na nakababahala aniya ang nangyari lalo at ang dalawang operatibang namatay na kapwa mula 51st infantry battalion, ay nangangalap lamang ng impormasyon kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University.
Ipinapakita aniya nito ang patuloy na banta mula sa mga extremist group gaya ng Daula Islamiya-Maute sa kanilang rehiyon kaya’t lalong kailangan aniya ngayon ng kolektibong pagkondena at pagkakaisa.
“This incident underscores the persistent threats posed by extremist groups like Daulah Islamiyah-Maute in our region, emphasizing the urgent need for collective condemnation and unity. In times of tragedy, our shared resilience challenges us to stand united against the forces of hatred and violence.” ani Adiong.
Nanawagan din ang mambabatas para sa mabilis na pagkilos at pagtugon sa ugat ng extremism at pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Adiong sa naiwang pamilya ng dalawang sundalong nasawi.
“As we extend our condolences to the families and express gratitude for their service, we give the ambushed military men the honor they deserve for their courage, reaffirming our commitment to bringing the criminals to justice. In the pursuit of lasting peace, let us join forces to address these challenges and foster a future where diversity is celebrated, and the bonds of peace are unbreakable.” dagdag ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes