Hinihikayat ng Business Permit and Licensing Office ng lungsod ng Las Piñas ang mga business owners sa lungsod para sa kanilang agarang pag-aasikaso ng pagkuha o pag-renew ng permit para sa kanilang mga negosyo.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas, hanggang January 22 na lamang ang deadline nito kaya magtungo na sa opisina ng BPLO sa City Hall o sa satellite office nito sa Robinsons Mall, Las Piñas dala ang mga kinakailangang dokumento upang kumpletuhin ang proseso nito.
Ang patuloy na serbisyo ng Lungsod ay sa pangunguna nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar para mas mapagaang at maging convenient ang pagbabayad ng kanilng mga permits sa lungsod. | ulat ni AJ Ignacio