Pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez ang Senado na kaysa birahin ang Kamara sa peoples’ initiative, ay unahin na lang tapusin ang mga nakabinbin na LEDAC at SONA priorities.
Ayon kay Speaker Romualdez, tatlong buwang mas maaga na tapos ng Kamara ang mga LEDAC at SONA priority measures ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Ibig sabihin, wala na silang back subjects.
Sabi pa ng House leader, na kaya hindi natuloy ang LEDAC meeting kahapon ay dahil nagpapaliguy-ligoy umano ang Senado at humihiling ng extension sa priority measures.
Imbes aniya na distractions ay dapat na tutukan na lang ng mataas na Kapilungan ang kanilang trabaho na hinihintay ng mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes