Bilang tugon sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binuksan na ang 24/7 VIP Lounge para sa mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Personal na binisita ni Speaker Martin Romualdez ang naturang lounge kasama si OWWA Administrator Arnell Ignacio.
“Now, our OFWs have a place to call their own in our airports similar to premium lounges being enjoyed by privileged travelers,” ayon sa House Speaker.
Ayon kay Romualdez, isa pa lamang ito sa mga OFW VIP lounge na bubuksan sa mga international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa mga OFW na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho abroad.
Magsisilbi aniya itong legasiya ni PBBM bilang sukli sa malasakit ng OFWs sa ating bansa bilang modern-day heroes.
Matatagpuan ang lounge sa ikaapat na palapag ng Terminal 1 malapit sa pre-departure area.
Magbubukas din ng OFW VIP lounge sa Terminal 3.
Libre ang paggamit ng VIP lounge anumang uri ng ticket ang hawak ng mga OFW.
Mayroon ditong komportableng upuan, WiFi, charging stations, power outlets, pagkain at inumin, at helpdesk.
“We want to show our deep gratitude and appreciation for our overseas workers for continuing to help our country grow its economy and help their families through their remittances. Making their departure as comfortable as it can be and easing their loneliness is the least we can do for them. We want them to take care of themselves for our country and their families,” sabi ni Romualdez.
Ang pagbubukas ng OFW Lounge ay unang isinulong ni Zamboanga Sibugay Representative Walter Palma na naghain ng panukala para sa pagpapatayo nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes