Inilabas ngayon ang listahan ng mga holiday at long weekend para sa taong 2024.
Base sa Facebook post ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bukod sa January 1, ay deklaradong Special Non-Working Day ang February 10 para sa Chinese New Year.
Papatak naman ang Holy Week vacation simula March 28, Maundy Thursday, March 29, Good Friday, March 30, Black Saturday, at Easter Sunday ng April 1.
Regular Holiday ang April 9 o Araw ng Kagitingan, gayundin ang May 1, Labor Day, at June 12, Independence Day.
Special Non-working Day ang August 21, Ninoy Aquino Day, habang papatak na long weekend ang August 24 araw ng Sabado, August 25, Linggo, at August 26, Lunes, na National Heroes Day.
November 1 ay All Saints’ Day na papatak sa araw ng Biyernes at November 30 ay Bonifacio Day na isang regular holiday pero papatak ng Sabado.
Holiday ang December 8 na papatak ng araw ng Linggo na siyang Pista ng Immaculate Concepcion, December 24 na additional Specal Non-working Day na papatak ng Martes, at December 25, araw ng Pasko.
Long weekend ang December 28, 29, at 30, araw ng Lunes na Rizal Day, habang Special Non-working Day din ang December 31, 2024.
Sa naturang FB post ni Pangulong Marcos, sinabi nitong sa pamamagitan ng maagang paglalabas ng mga deklaradong holiday at long weekend ay makakapagplano ang lahat, hindi lamang para sa bakasyon kundi upang mapagplanuhan din ang gagawing mga transaksyon sa pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar