Naglaan ng kabuuang P51-M pondo ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga para suportahan ang mga plano at programa ng mga magsasaka’t mangingisda ng lungsod ngayong taong 2024.
Ayon kay Acting City Agriculturist Arben Magdugo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaaan ng malaking pondo ang naturang tanggapan sa loob ng 17 taon para sa sektor ng agrikultura.
Aniya, ang P28-M mula sa nasabing halaga ay gagamitin para makabili ng mga makinarya para sa mga magsasaka habang ang natirang pondo ay gagamitin para naman sa agri-fishery inputs tulad ng high value crops, mais, mga pataba, at iba pa.
Maliban sa naturang pondo, nakalinya rin ang iba pang infrastructure projects mula sa City Engineer’s Office para sa naturang sektor tulad ng solar-powered irrigation systems para sa dalawang barangay sa lungsod. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga
đŸ“· Zamboanga City LGU