Pinasususpinde na muna ni Senadora Imee Marcos ang lahat ng lotto draw, kasama na ang e-lotto, hangga’t hindi pa nabibigyang linaw ang mga katanungan tungkol sa mga nananalo dito.
Una nang nakwestiyon ang dami ng mga nananalo sa lotto nitong mga nakaraang panahon at ang ilan pa ay magkakapareho ng mga apelyido.
Binigyang diin ni Senadora Imee na ‘mathematically’ improbable o malabong mangyari ang dalas na may nakakakuha ng jackpot sa lotto.
Tinawag pa ng mambabatas na isang kababalaghan ang nangyayaring mga panalo sa lotto.
Hindi rin kumbinsido ang si Senadora Imee na walang manipulasyon sa lotto draw kahit pa sinasabing may mga taga-Commission on Audit (COA) at may CCTV sa silid na pinagbobolahan.
Kaya naman hangga’t hindi aniya ito nareresolba at nasasagot ng maayos ang mga katanungan ay dapat munang itigil ang mga lotto draw. | ulat ni Nimfa Asuncion