Ipinagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang serbisyo nitong medical at dental mission para sa mga residente nito sa pamamagitan ng Taguig Love Caravan.
Ngayong araw, mga residente ng Barangay Pitogo at Barangay Pembo ang maaaring maka-avail ng mga libreng serbisyo.
Ilan lamang sa mga ito ay mga serbisyong medikal tulad ng konsultasyon, libreng flu vaccine, diagnostics at laboratory, at iba pang mga bakuna para sa mga bata.
May OB-Gyne services din tulad ng prenatal check-up at family planning commodities.
May libre ring bunot ng ngpin, mga gamot, food demo, at marami pang iba.
Maaari ring magpasa ng kanilang PhilHealth application sa nasabing caravan sa inyong mga barangay.
Habang sa Barangay Pitogo, ngayong araw, at sa darating ng Enero 22 at 23, naka-schedule naman po sa inyong barangay ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa.
Habang sa schedule ng ibang barangay, maaaring tumutok lang sa FB page ng Office of the City Veterinarian ng lungsod Taguig para sa anunsiyo.
Layunin ng Taguig Love Caravan mai-promote ang poverty alleviation sa pamamagitan ng medical missions, training and livelihood lectures at mga community check. | ulat ni EJ Lazaro