Umabot sa 49,428,465 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT Line 2 noong 2023.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng ridership mula noong magkaroon ng pandemya.
Ayon sa LRTA, malaki ang itinaas ng ridership ng LRT-2 noong 2023 kumpara sa naitalang mahigit 31 milyon noong 2022, mahigit 11 milyon noong 2021 at mahigit 12 milyon noong 2020 kung saan nagpatupad ng COVID-19 restrictions.
Samantala, inaasahan ng pamunuan ng LRTA na tataas pa ang average daily ridership ng LRT-2 ngayong 2024. Ito ay dahil nagbalik na sa full face-to-face ang karamihan sa mga eskwelahan at trabaho sa opisina.
Sa pagtaya ng LRTA, posibleng pumalo sa mahigit 50 milyon ang ridership ngayong taon. Mas mataas ito ng 2.57% kumapara sa naitalang mahigit 49 milyon na ridership noong 2023. | ulat ni Diane Lear