Patuloy na nakikiisa ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa hangarin ng Philippine Red Cross (PRC) na makatulong at makapagligtas ng buhay.
Kaugnay nito ay hinimok ng LRTA ang mga kawani at mga pasahero nito na makiisa sa isasagawang bloodletting activity sa LRT-2.
Ito ay sa pakikipagtulungan sa PRC-Pasay City Chapter.
Ayon sa abiso, sa mga nais na maging bahagi ng bloodletting activity ito ay isasagawa bukas, January 11, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa LRT-2 Araneta Center-Cubao Station.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook page ng LRTA. | ulat ni Diane Lear