Bilang pakikiisa sa Traslacion ng Itim na Nazareno, inanunsyo ng Light Rail Authority (LRTA) na papayagan nitong sumakay sa LRT-2 ang mga nakayapak na deboto simula sa January 8 at January 9.
Ang naturang inisyatibo ay pagkilala ng LRTA sa kultura at relihiyon ng mga commuter.
Layon din nitong matiyak ang maayos na biyahe ng lahat ng mga pasahero sa mga nabanggit na araw.
Kaugnay nito, mananatili ang regular na operasyon ng LRT-2, aalis ang unang biyahe sa Recto at Antipolo Station ng 5 AM habang ang huling biyahe sa Antipolo at Recto Station ay aalis ng 9 PM at 9:30 PM. | ulat ni Diane Lear