Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mawawalan ng mga bibiyaheng pampasaherong jeep sa rutang Cubao-Divisoria pagsapit ng Pebrero.
Ito’y kahit pa sisimulan na sa February 1 ang hulihan at ituturing na colorum ang mga ‘unconsolidated PUV.’
Sa isang pahayag, nilinaw ng LTFRB na mayroon nang mga jeepney operator ang nakapag-consolidate sa naturang ruta.
Katunayan, aabot na sa 114 units ang nakapag-consolidate sa rutang ito para serbisyuhan ang mga estudyante at mga manggagawa.
Bukod dito, nananatili rin aniyang available ang LRT-2 para sa mga pasahero na biyaheng Cubao-Divisoria. | ulat ni Merry Ann Bastasa