Nakahanda na ang Land Transportation Office na magkasa ng operasyon laban sa unconsolidated PUJs na ituturing nang colorum pagsapit ng Pebrero.
Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, may sapat silang bilang ng enforcer para mai-deploy sa mga kalsada at manghuli ng mga colorum.
Sa ngayon, iniiimprenta na aniya ngayon ng LTO ang kopya nito ng plaka ng lahat ng rehistradong PUV units na ikukumpara naman sa datos na hawak ng LTFRB.
Ito ang gagamiting basehan para matukoy kung alin sa mga bumibiyaheng jeep ang unconsolidated.
Kasabay nito ay ang plano rin ng LTO na palawakin ang impounding areas nito para sa mga mahuhuling jeepney units. | ulat ni Merry Ann Bastasa