Target ng Land Transportation Office (LTO) na makapagparehistro ng sasakyan na hindi bababa sa limang milyon kada buwan.
Hinimok ni LTO Chief Vigor Mendoza ang mga kawani ng ahensya na simulan ang isang makasaysayang pagsisikap para sa organisasyon.
Nais ni Mendoza na palakihin ang kita ng LTO nang hindi lamang umaasa sa mga apprehension.
Hinihimok din ang iba pang deputized enforcers, kabilang ang mga tollway deputized enforcer na panindigan nila ang batas hindi lamang sa mga tollway kundi maging laban sa colorum vehicles at iba pang batas sa kalsada.
Ang hindi umano pagsunod ay magreresulta sa pagtanggal ng kanilang deputization. | ulat ni Rey Ferrer