Tinukoy ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na malaki ang naitulong ng maayos na economic policies ng Marcos Jr. administration para mapababa ang unemployment rate ng bansa.
Ito ang sinabi ng mambabatas matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na mula sa 4.2 percent unemployment rate noong Oktubre at bumaba ito sa 3.6 percent sa buwan ng Nobyembre 2023.
“The President and his economic team, and their allies in Congress, principally the House of Representatives, are on the right track. The newest data indicated that the economy has created more than 200,000 jobs,” saad niya
Sabi ng mambabatas na pangunahing nagbukas ng dagdag na trabaho ang investments.
Kaya naman lalo lamang aniya nitong pinalakas ang posisyon ng Kamara na amyendahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas para maka-akit pa ng foreign direct investments.
Sa paraang ito, mas maraming pamumuhunan ang papasok na magreresulta sa mas masiglang ekonomiya at mas maraming opotunidad para sa kabuahayan ng mga Pilipino.
“More foreign investments will mean more jobs, more economic activities and more income for our people. That’s why constitutional amendments focused on the economic provisions are urgently needed,” sabi pa ni Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes