Nag-abiso na ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng Expressway simula ngayong araw, January 19 hanggang bukas January 20.
Ito ay dahil sa gaganaping 2-day concert sa Philippine Arena.
Ayon sa NLEX Corporation, partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria.
Dahil dito, pinapayuhan na ang mga motorista na maglaan ng mas maraming oras kung hindi maiiwasang bumiyahe ngayong araw at sa weekend.
Maaari ring dumaan sa mga alternatibong ruta o mag-exit sa Marilao, Bocaue o Tambubong.
Tiniyak rin ng NLEX na may mga ide-deploy itong traffic personnel sa strategic areas para umalalay sa mga motorista. | ulat ni Merry Ann Bastasa