Nasa 185 na sasakyang pandagat na ang nakakuha ng permit mula sa Philippine Coast Guard upang makasali sa isasagawang fluvial procession ng imahen ng Señor Santo Niño, Our Lady of Guadalupe at Saint Joseph sa darating na Sabado, Enero 20,2024.
Ayon kay Commander Mark Larsen Mariano, Deputy Commander ng PCG District Central Visayas na ang lahat ng mga sasali sa fluvial procession ay kailangang kumuha ng permit sa kanilang tanggapan. Kinakailangan rin na kumpleto sila sa mga papeles upang mabigyan ng permit.
Ang mga sasaling sea vessel ay maaring makapagsakay ng pasahero ngunit kailangang 75 percent lamang ng kanilang total capacity.
Binigyang diin rin ni Mariano na kailangang mayroong life jacket para sa lahat na pasahero ang mga sasaling sea vessel.
Mahigpit aniyang babantayan ng PCG at ng Philippine Navy ang mga bangkang sasali ngunit walang permit. Ani Mariano nga ang mga mahuhuling bangka ay hindi na makakasali sa mga susunod pang fluvial procession.
Napag- alaman na motorized vessel lamang ang papayagang sasali sa fluvial procession. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu
Photos: Cebu Cordova Link Expressway FB page