Aabot na sa higit tatlong daang pamilya ang apektado sa pagbaha sa Davao de Oro na dulot ng walang tigil na pag-ulan simula kahapon.
Batay sa report ng Office of Civil Defense XI, nasa 329 na pamilya na ang naitalang inilikas sa probinsya, kung saan pinaka-maraming apektado ay sa bayan ng Nabunturan na may 207 na apektado.
Samantala, may natila namang 81 families na inilikas sa bayan ng Mawab, at 41 families sa bayan ng New Bataan.
Hindi naman madaanan ang ilang mga kalsada matapos matabunan ng lupa bunsod ng landslide.
Kabilang dito ang Daang Maharlika sa Brgt. Rizal sa bayan ng Monkayo at Maragusan-Nabunturan Road sa bayan ng New Bataan.
Ayon kay Nabunturan MDRRMO Chief Jennifer Echanvez, maaaring madagdagan pa ang naturang bilang, sapagkat patuloy pa ang kanilang ginagawang rescue operation sa mga oras na ito.
Dahil sa mga pagbaha at landslide dulot masamang panahon na patuloy na nararanasan sa buong Davao Region, nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng labing isang bayan sa buong Davao de Oro. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao