Mahigit apat na libong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa rehiyon dos ang matagumpay na nagtapos mula sa programa noong 2023.
Base sa datos ng DSWD Region 2, nasa kabuuang 4,333 na pamilya ang nagtapos sa isinagawang 50 graduation ceremonies na tinaguriang “Pammadayaw na Paggradua na Pantawid Pamilya” sa buong rehiyon.
Buong pagmamalaking ibinahagi ni Regional Director Lucia Alan na ang tagumpay na ito ay hindi lamang mula sa inisyatiba ng ahensiya, kundi sa kabuuan ng pagsisikap ng local government units, national government agencies, civil society organizations at iba pang partner stakeholders.
Sa mga isinagawa ring pagtatapos ay nasa 611 4Ps children at benepisyaryo ng Expanded Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) ang naparangalan matapos makumpleto ang kanilang tertiary education, nakapasa sa board exams at ngayo’y mga propesyonal na. | ulat ni April Racho | RP Tuguegarao
📸: DSWD Region 2