Nagpapatuloy sa pagtulong ngayon ng DA RFO2 sa pamamagitan ng kanilang ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), Research Centers and Experiment Stations (RCES), at mga kooperatiba sa pagbili at pagbebenta ng mga aning repolyo, Chinese petchay at ilan pang mga produktong agrikultura ngayong may oversupply nito.
Sa monitoring ng AMAD para isang linggo pag- market sa naturang mga produkto, umaabot na sa mahigit 41,000 kilos ng mga naturang gulay ang kanilang naibenta sa Cagayan Valley ito ay sa ilalim ng Buying Rescue Program ng DA .
Mula sa nabanggit na bilang mahigit 28,000 kg dito ay naibenta sa lalawigan ng Isabela; mahigit 11,000 kg sa Cagayan; at 1,460 kg sa Quirino.
Ito ang tulong ng kagawaran para maiwasan ang pagtapon ng mga ani ng mga magsasaka na malaking lugi para sa kanila.
Maliban sa paghanap ng market para mga produkto, ang DA din ang sagot sa pagdeliver ng mga ito sa mga palengke, kADIWA stores, at mga tindahan ng mga kooperatiba.
Nakapagpulong na rin ang mga DA offices sa Northern Luzon para sa kanilang nagkakaisang plano at istratehiya upang maiwasan ang oversupply ng mga produktong agrikultural. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao
Photos: DA RFO2