Nais ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mas mapaigting pa ang anti-illegal drugs campaign na nagkaroon ng momentum noong 2023.
Kaugnay nito ay ipinagmalaki ni DILG Secretary Benhur Abalos na sa ilalim ng flagship program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program, nakakumpiska ang iba’t ibang anti-drug enforcement agencies ng aabot sa P10.41 billion na halaga ng iligal na droga.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng nasa 56,495 na drug suspects.
Nakapagtatag rin ang programa ng 74 na bagong in-patient treatment at rehabilitation facilities.
Habang nalinis sa impluwensya ng droga nasa 27,968 barangays.
Ngayong 2024, plano ng DILG na palakasin ang community-based rehabilitation interventions para sa mga gumagamit ng iligal na droga. | ulat ni Diane Lear