Nakahanda na ang Davao City Police Office (DCPO) sa ipatutupad na seguridad bukas para sa Traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay DCPO Spokesperson PCapt. Hazel Tuazon, nasa 80 PNP personnel ang idedeploy bukas mula sa San Alfonso Ma. de Liguori Parish sa Brgy. Mandug papuntang GKK Our Lady of Peñafrancia sa Deca Homes Esperanza sa Brgy. Tigatto.
Maliban sa PNP personnel na idedeploy, may ipapakalat rin na mga force multipliers, police auxiliaries, at iba pang volunteers na tutulong sa pagpapatili ng mapayapang aktibidad.
Sinabi naman ni Jomar Earl Narciso, social communications coordinator ng San Alfonso Parish, na aasahan nila na mas maraming dadalo sa traslacion bukas matapos binawi na ang restrictions na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.
Magsisimula ang paglipat ng imahe ng Itim na Nazareno ng alas 8 ng umaga mula sa San Alfonso Ma. de Liguori Parish Grounds patungong GKK Our Lady of Peñafrancia. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao