Umaasa ang mga kongresista na matatapos na ang palitan ng maiinit na pahayag sa pagitan ng Kamara at Senado.
Ayon kay Deputy Speaker David ‘Jayjay’ Suarez, ang patuloy na diskusyon sa pagitan ng dalawang kapulungan ay taliwas sa panawagang unity o pagkakaisa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinusulong na Bagong Pilipinas campaign.
Naging mainit ang palitan ng mga pahayag ng Kamara at Senado dahil na rin sa isinusulong na charter change
“…ang mga ganung statements sinasabi ko na po, that is what creates divisiveness. That is what creates discord. And that goes against the very nature of Bagong Pilipinas na ipinaglalaban ng ating Pangulo na magkaisa at magtulungan.”
Sa isang pulong balitaan, muling sinabi ng House leadership na kanilang hihintayin at agad na aaksyunan ang Resolution of Both Houses No. 6 na inihain ng Senado oras na mai-transmit ito sa kanila.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, kaisa sila ng Senado sa pagnanais na mapagbuti ang ekonomiya ng bansa.
“…this I appeal to our friends in the senate, you pass yurr RBH 6 and the House of Representatives will welcome it. You transmit it us, we will welcome it with two open arms. Version niyo na. Kayo na ang bahala magbalangkas kung ano version ang gusto niyo, anong economic provisions…sabi ni Speaker maski blood compact…ipasa natin, kasi kailangan na ng Pilipinas yan.” sabi ni Dalipe
Kinilala naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang mahabang pasensya ng Pangulong Marcos Jr. at kahinahunan sa gitna ng mainit na usaping ito.
Ani Roman, nananatiling prayoridad ng presidente ang pagkakaisa ng bawat isa, dahil ito aniya ang kailangan ng bansa.
“Itong pangulong ito, he ran on a platform of unity. And I see him working to maintain this unity. And laki ng pasensya niya, had it happen, had these things happen in another administration, iba na ang tono ng boses niya…pero still he’s hoping and I feel that he’s working to maintain this unity which our country badly needs.” sabi ni Roman. | ulat ni Kathleen Forbes