Ipinasilip ng Philippine Black Hawk Auto Corporation sa publiko ang makabagong jeepney na mayroong modernong features.
Ayon sa naturang korporasyon, kabilang sa bagong feautures ay tulad ng emergency exit doors, sliding windows, at fully-airconditioned interiors.
Ang naturang jeepney ay imported mula sa China na may 2982cc engine at Euro 4 emission.
Ito rin ay manual transmission at kayang makapag-sakay ng hanggang 23 mga pasahero.
Matatandaang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaaring bumili ng locally-made o mga jeepney na gawa sa Japan at China ang mga transport cooperative para sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan.| ulat ni Dian Lear