Pinag-aaralan na Makati City LGU ang paniningil ng mas mababang Real Property Tax sa mga tiga-lungsod ng Makati upang mas mapagaang ang bayarin ng mga residente ng lungsod.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay na napapanahon at naangkop ang naturang plano, lalo pa’t aabot sa ₱7.9-billion ang halaga ng magiging savings ng lungsod taon-taon mula sa pagkakatanggal ng subsidiya para sa mga Embo barangay.
Tinukoy din ng alkalde ang lalong paglakas ng lokal na ekonomiya dahil sa masigasig na pagsusulong ng sustainable development at mga makabagong pamamaraan ng paglilingkod sa bayan. Nitong 2023, lumagpas ng 31.74 percent sa target ang nalikom na pondo ng lungsod mula sa business tax.
Sinabi ni Mayor Abby Binay na nakatutok ang kanilang lokal na pamahalaan sa inklusibong pag-unlad at mga inobasyon na magpapaunlad sa bawat residente sa Lungsod ng Makati. | ulat ni AJ Ignacio