Tatlumpu’t anim na munisipalidad sa Mindanao na sinalanta ng malakas na lindol at matinding pagbaha noong 2023 ang tatanggap ng ayudang nagkakahalaga ng ₱21.5-million mula sa Makati City.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati ang paglalaan ng mula ₱250,000 hanggang sa ₱1-million para sa bawat LGU, depende sa tindi ng pinsalang natamo.
Dagdag pa ng Alkalde na layon ng Makati na makatulong sa mga bayang ito na makabangon at isaayos ang kanilang mga komunidad sa gitna ng mga hamong kinakaharap.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Mayor Abby ang mga kapwa niya alkalde sa buong bansa na mamuhunan sa pagtataguyod ng climate-proof, disaster-ready, at resilient na imprastraktura upang mas maging handa ito sa anumang hamon ng kalamidad. | ulat ni AJ Ignacio