Patuloy pa ang malawakang registration services at pag-iisyu ng PhilID, ePhilID ng Philippine Statistics Authority sa mamamayang Pilipino.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, nananatiling madali at convenient ang pagpaparehistro sa PhilSys o Philippine Identification System.
Kasama pa rin sa mga inaalok ng PSA field offices ang mobile registration services tulad ng PhilSys on Wheels.
Sa pamamagitan nito, nararating ang mga mamamayang nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Hanggang Disyembre 29, 2023 nasa sa 50,332,413 PhilIDs ang na-imprenta at 45,649,707 sa kabuuang bilang ang naihatid na sa registered persons sa buong bansa.
Umabot na rin sa 44,538,651 na ePhilIDs ang inisyu sa nasabi ring panahon.
Tulad ng PhilID, ang ePhilID ay maaari ring ipakita bilang isang valid proof ng identity sa mga transaksyon. | ulat ni Rey Ferrer