Ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtugon ng mga gumagawa ng jeepney sa kanilang panawagan.
Ito’y para lumikha ng mga moderno subalit abot-kayang mga yunit ng jeepney na papasada sa mga lansangan sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, matapos ang kanyang naging panawagan ay agad nagpahayag ng suporta rito ang mga jeepney manufacturer na naka-angkla pa rin sa orihinal na disenyo.
Sa ganitong paraan aniya, hindi mawawala sa mga lansangan ang orihinal na disenyo ng “iconic” jeepney na mas moderno at nakasusunod sa mga panuntunan ng pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala