Puspusan ang kampanya ng pamahalaan kaugnay ng tina-target ng administrasyong Marcos na maging tourism powerhouse sa Asia ang Pilipinas.
Katunayan dito, ayon sa Presidential Communications Office, ang unang ginawang pag-aapruba mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng National Tourism Development Plan 2023 to 2028 na magsisilbing blueprint at development framework para sa industriya ng turismo sa bansa.
Kaugnay nito iniulat naman ng Department of Tourism (DOT) sa Palasyo na isang tagumpay na taon sa bansa ang 2023 sa larangan ng turismo kasunod ng higit sa limang milyong international visitor arrivals ng nakaraang taon.
Nagresulta ito ng higit sa ₱480-billion pesos na halagang naipasok na kita sa Pilipinas base na din sa ulat na isinumite ng DOT sa Malacañang.
New record ito ayon sa Malacañang na aniya’y lumampas ng 650,000 international tourist arrival mula sa target lang sana na 4.8 million international visitors. | ulat ni Alvin Baltazar