Target ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibaba sa 10 porsiyento ang target-listed drug personalities sa bansa sa pagtatapos ng termino nito pagsapit ng 2028.
Ito’y ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa harap na din ng bagong pamamaraan ng Marcos administration sa
pagsugpo ng iligal na droga upang mas mabigyang pokus ang rehabilitation, reintegration, at preventive education program approach sa hanay ng mga kabataan.
Bukod sa 10% reduction sa listahan ng mga
target drug personalities, idinagdag ng PCO na nais din ng Pangulo na maitatag ang Community-Based Drug Rehabilitation Program at Anti- Drug Abuse Council sa lahat ng mga lalawigan, siyudad, bayan hanggang sa mga barangay.
Target din ng admnistrasyon na makamit ang 1:1 ratio ng established treatment and rehabilitation facility per province pagdating ng 2028.
Kaugnay nito, iniulat naman sa Palasyo na noong 2023 ay nasa may ₱10.41-billion na mga iligal na droga ang nakumpiska, kung saan, nasa 56,495 na mga drug suspects ang nadakip sa may
44,000 anti-illegal drug operations na ikinasa. | ulat ni Alvin Baltazar