Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Maritime Industry Authority o MARINA upang gumawa na ng kaukulang hakbang para sa standardization ng Philippine Maritime Industry at makasabay na sa pandaigdigang pamantayan sa industriya ng pagmamarino.
Ayon sa Pangulo, marami sa rules and operations ng maritime industry sa bansa ay pawang luma na at may kakulangan sa ‘unified system’.
Kaya ang kailangan sabi ng Chief Executive ay magkarOon ng standardized system na nakabatay sa international system at nang sa gayon ay makasabay sa international counterparts ng Pilipinas.
Bahagi ayon sa Pangulo ng pangangailangang maikasa ang standardization sa maritime industry ng bansa ay bunsod na rin ng kumpetisyon sa international maritime industry at hindi dapat mapag-iwanan dito ang Pilipinas.
Bukod dito ay napuna din ng Presidente ang mataas na shipping cost sa bansa kung ikukumpara sa ibang nasyon na mas mura.
Inihalimbawa dito ng Presidente ang murang shipping cost mula Hongkong papuntang Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar