Isinasapinal na lamang ng Marcos Administration ang Maritime Industry Development Program o MIDP 2028, na isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarers.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang komprehensibong plano na ito ay maingat na bilangkas upang bigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng seafarers at upang iangat pa ang posisyon ng mga ito sa global stage.
Sabi ng Pangulo, sa oras na makumpleto ito magagarantiya ng pamahalaan ang epektibong implementasyon nito maging ang international recognition para sa Filipino seafarers.
“We are finalizing the MIDP 2028, making sure that it prioritizes the well-being of Filipino seafarers. Upon its immediate completion, we will guarantee effective project implementation and the international recognition for our seafarers’ qualifications.” —Pangulong Marcos Jr.
Ilan sa mga nilalaman ng core program ng MIDP 2028 ay ang modernization at expansion ng Philippine domestic shipping, promotion at expansion ng Philippine overseas shipping, modernization ng Philippine shipbuilding, at ship repair industry and promotion ng highly skilled Filipino at competitive maritime workforce.
Ang programang ito ay nagbibigay-diin rin sa pangako ng gobyerno na pangalagaan ang mga karapatan ng mga marino at mapabuti ang working conditions sa martime sector. | ulat ni Racquel Bayan