Pinalawig pa ng dalawang farmers cooperative ang kanilang marketing agreement sa Bucay District Jail sa Abra sa tulong ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ayon sa DAR, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng Baug Farmers Multipurpose Cooperative, Gayaman Farmers Multipurpose Cooperative at Bucay District Jail.
Ang inisyatiba ay bahagi ng Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) Program.
Sa nakalipas na tatlong taon, ang mga farmers cooperative ang nagsusuplay ng agricultural products sa Bucay District Jail tulad ng itlog, manok, alagang hayop, gulay at groceries.
Naghayag ng pasalamat si Bucay District Jail Warden Franz Marc Ganitano sa farmers cooperative.
Sa maliit na paraan aniya ay makatutulong sila sa mga magsasaka.
Dahil dito, magtutuloy-tuloy ang suplay ng mga pagkain sa district jail at makapagbibigay ng consistent market sa mga magsasaka para sa kanilang agricultural products. | ulat ni Rey Ferrer