Mas ligtas na 2024, inaasahan ni Sec. Año

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa mas ligtas na taong 2024 sa buong bansa.

Sa kanyang New Year’s Message, tiniyak ng kalihim na hindi natitinag ang commitment ng buong Security sector sa pagtataguyod ng pambansang seguridad.

Mas lalo aniyang napalakas ang kanilang determinasyon na pangalagaan ang bansa makalipas ang mga hamong hinarap sa nagdaang taon.

Nanawagan ang kalihim ng pagkakaisa ng buong bansa sa taong ito, sa pagharap ng mga hamong darating.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Año na sa pamamagitan ng dedikasyon ng mga miyembro ng unipormadong serbisyo at pagbabantay ng mga mamamayan, ay patuloy na maitataguyod ang isang ligtas, matatag, at walang panganib na bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us