Ipinanukala ni Bicol Saro partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang mas mabigat na parusa sa mga tagapagpatupad ng batas na mapapatunayang sangkot sa “cover-up” ng mga karumal-dumal na krimen.
Ayon kay Yamsuan, dapat parusahan ng hanggang 20 taon na pagkakakulong ang mga ito sa halip na kasalalukuyang 12 taon.
Sa ilalim ng House Bill 7972, nais ni Yamsuan na maparusahan ang mga alagad ng batas at iba pang tao na nasa awtoridad na nagsisilbing “accessory” sa paggawa ng itinuturing na “heinous crime” ng mas mabigat na parusa na isang antas na mas mababa kasysa sa prinisipal.
Sa ilalim ng RA 7659, kabilang sa karumal-dumal na krimen ang pag-aangkat, pamamahagi, manufacturing at possession of illegal drugs, treason, piracy in general and mutiny on the high seas in Philippine waters, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, kidnapping and serious illegal detention, robbery with violence against or intimidation of person, arson at rape.
Paalala ng mambabatas na ang tagapagpatupad ng batas at iba pang taong may awtoridad ay may pananagutan sa pagpapanatili ng kaayusan ng publiko at pagpigil sa krimen kaya dapat silang may mataas na pamantayan na pag-uugali bilang tagapagtanggol ng mamamayan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes