Kasalukuyan nang pinagpaplanuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo Pacific Command (USINDOPACOM) ang ika-39 na Balikatan Exercise, ang taunang pagsasanay militar ng dalawang pwersa.
Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na ang sabayang pagsasanay para sa taong ito na isasagawa sa Abril, ay magkakaroon ng mas maraming ehersisyo sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang aniya dito ang mga regular na maritime, aerial, at land exercises.
Bilang pagsulong ng tagumpay ng nakalipas na Balikatan Exercise, sinabi ni Padilla na ang pagsasanay
sa taong ito ay magkakaroon ng mga karagdagang pagsubok, kabilang ang mga ehersisyo sa cyberspace at information warfare.
Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad na sa ngayon ay dinedetermina pa ang mga lokasyon na pagdarausan ng pagsasanay. | ulat ni Leo Sarne