Giniit ni Senadora Imee Marcos na handa ang mga senador na suportahan ang anumang corrective legislation na kailangan para matanggal ang Pilipinas sa gray list ng Financial Action Task Force (FATF).
Pinunto ng senadora na noong June 2021 ay pinuna ng FATF ang isyu ng money laundering mula sa casino junkets at kawalan ng prosecution sa terrorism funding cases.
Ang iba pang isyu aniya ay ang effective risk-based supervision ng non-financial businesses at professionals and streamlining access sa beneficial ownership information.
Ipinaalala ni Senadora Imee na naipasa na ang Anti-Terror Act bagama’t wala pang conviction rate.
Aminado naman si Marcos na hindi naman ito dahil sa kawalan na ng terorista sa bansa lalo pa’t aktibo pa rin ang New People’s Army (NPA)
Tiniyak ng mambabatas na patuloy ang Mataas na Kapulungan sa paghahanap ng mga paraan upang ma-regulate ang casino junkets upang maiwasan ang money laundering operations. | ulat ni Nimfa Asuncion