Na-nutralisa ng mga tropa ng 78 Infantry “Warrior” Battalion ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division ng Philippine Army ang isang mataas na lider-komunista sa enkwentro sa Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado.
Kinilala ni 8ID Public Affairs Office Chief Captain Jefferson Mariano ang nasawing terorista na si Martin Colima Alias Moki, ang secretary ng Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Ang bangkay ni alyas Moki ay narekober ng mga tropa matapos abandonahin ng kanyang mga kasamahan na nagsitakas matapos maka-enkwentro ng mga sundalo.
Kasamang narekober ng mga tropa ang isang .45 cal. pistol, pitong backpack, at mga subersibong dokumento.
Ayon kay 78IB Commanding Officer, Lieutenant Colonel Allan Tria si alias Moki at ang kanyang grupo ang responsable sa pagkamatay ng anim na sundalo at pagkasugat ng 20 tauhan ng 14th Infantry Battalion sa enkwentro sa Brgy. Pinanag-an, Borongan noong November 11, 2019.
Si alyas Moki ay wanted sa patong-patong na kaso kabilang ang murder, attempted murder, frustrated murder, at robbery. | ulat ni Leo Sarne
📸: 8ID