Matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang ‘warrant of arrest’ laban sa isang mataas na lider ng Communist Terrorist Group (CTG) habang nakakulong sa Tangub City Jail sa Misamis Occidental.
Ayon kay CIDG Director, P/MGen. Romeo Caramat Jr, ito’y kaugnay naman sa hiwalay na kasong murder na kinahaharap ni Matias Gaquit
Ang naturang warrant ay inibalas ng Regional Trial Court 11, 9th Judicial Region ng Sindangan, Zamboanga del Norte at walang inirekomendang piyansa para rito.
Nabatid na nagsisilbing 1st Deputy Secretary ng Guerilla Front Sendong ng Western Mindanao Regional Party Committee ng CPP-NPA si Gaquit.
Kasunod nito, tiniyak ni Caramat ang kanilang masidhing paglansag sa mga komunistang grupo upang labanan ang terorismo at makamit ang ganap na kapayapaan sa mga malalayong komunidad. | ulat ni Jaymark Dagala