Iniulat ng PAGASA na nararamdam na ang matinding El Niño sa ilang lugar sa bansa.
Batay sa inilabas na 7th ENSO advisory on El Niño ng DOST-PAGASA ngayong araw, inaasahang magpapatuloy ang matinding tagtuyot mula ngayong buwan ng Enero hanggang Pebrero 2024.
Ayon sa PAGASA, karamihan ng global climate models ay nagsabi na malamang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa panahon ng Marso, Abril at Mayo ngayong taon .
Mararamdaman umano ang transition sa El Niño-Southern Oscillation o ENSO-Neutral na panahon ng Abril-Mayo at Hunyo 2024.
Kaugnay nito, patuloy na babantayan ng PAGASA ang monsoon activity at ang patuloy na El Niño phenomenon.
Agad nitong ia-update at ipapalaganap nang naaayon ang mga lugar na potensyal sa meteorological dry spells at tagtuyot .
Hinihikayat din ng PAGASA ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at publiko na magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat upang mabawasan ang masamang epekto ng nasabing climate phenomenon. | ulat ni Rey Ferrer