Ininspeksyon ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Fernyl Buca at Balikatan 39-2024 planners nitong Sabado at Linggo, ang mga Naval detachment sa Basco at Mavulis Island.
Ito’y para masiguro na ang dalawang pinaka-hilagang pandepensang outpost ng militar ay handa para ipagtanggol ang Batanes Island Group Area, Luzon Strait, at mga kritikal na maritime areas.
Matatandaang pinasinayaan noong Oktubre 2023 ang Mavulis Island detachment, bilang pagpapalakas ng depensa sa Northern Luzon.
Sinabi ni Lt. Gen. Buca, ang kanyang pagbisita ay bilang bahagi na rin ng paghahanda para sa pagbabago ng operasyon ng militar mula sa internal security patungo sa external defense, at site inspection para sa nalalapit na Balikatan 39-2024 Military Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Pinasalamatan naman ni Lt. Gen. Buca ang 14-kataong team na naka-deploy sa Mavulis Island Detachment, na nakabantay para sa anumang potensyal na banta at iligal na aktibidad sa hilagang teritoryo ng bansa. | ulat ni Leo Sarne