Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang School Mental Health Program at School-Based Feeding Program para taong ito sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City ngayong araw.
Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ang paglulunsad ng nasabing mga programa.
Sa mensahe ni VP Sara, sinabi nitong layong ng mental health program ng DepEd na mabigyan ng ligtas na lugar ang mga mag-aaral kung saan sila at nabibigyang halaga at naririnig.
Makikipag-ugnayan din aniya ang ahensya sa mga eksperto, mga guro, school leaders upang matukoy ang mga estudyante na nakararanas ng problema sa mental health.
Binigyang diin din ng Pangalawang Pangulo ang kahalagahan ng masusustansyang pagkain para mahikayat na pumasok at mag-isip ang mga mag-aaral, at para na rin sa pisikal, emosyal, kabuuang kalusugan ng mga bata.
Mahigit 10,000 na mga personnel ang sinanay ng DepEd para magbigay ng psychological first aid at maging partner ng ahensya sa mental health program nito.
Tinaasan din ang pondo para sa feeding program para sa School Year 2024-2025 na nasa P11.7 bilyon para makapagbigay ng mausustansyan pagkain sa mga mag-aaral sa Kintergarten hanggang Grade 6.| ulat ni Diane Lear