Nagkaloob ng iba’t ibang electrical system equipment ang Manila Electric Company (MERALCO) sa pamamagitan ng One MERALCO Foundation sa main campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Layon nito na palakasin ang edukasyon ng mga mag-aaral ng Electrical Engineering sa nabanggit na pamantasan.
Pinangunahan ni MERALCO Executive Vice President at Chief Operating Officer at MSU Alumnus Ronnie Aperocho ang pamamahagi ng nasabing mga kagamitan.
Kabilang sa mga ibinigay na kagamitan ng MERALCO sa MSU ay para sa simulation ng mini substation na magagamit para sa laboratory training gaya ng protection at control panel, vacuum circuit breaker, control switch.
Gayundin ng miniature circuit breaker, multimeters, battery chargers, voltmeters at test leads.
Kasunod nito, nagpahayag ng suporta si Aperocho sa MSU kasunod ng insidente ng pagpapasabog sa nasabing paaralan. | ulat ni Jaymark Dagala