Nahukay ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis mula sa Area Police Command-Eastern Mindanao, Regional Mobile Force Battalion – 10, 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company at ng Revitalized-Pulis sa Barangay ang ibinaon na mga baril ng Communists Terrorist Group (CTG) matapos isinuplong ng dalawang sumukong mga rebelde kung saan ibinaon ang mga ito. Ang mga baril na nahukay ay ang 5 M16 rifle, 1 .45 na baril , 38 na mga magazine at mga bahagi ng baril.
Ayon kay PCol. Ramil T. Montilla, Executuve Officer ng PNP Area Police Command Eastern Mindanao ang mga baril ay nahukay sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Rafael, Talakag, Bukidnon noong Enero 6, 2024 ng umaga. Dagdag pa ni Col. Montilla na ang mga baril ay mula sa Platoon Mercedez, SRC 5, NCMRC, grupo ng mga CTG na nag-operate sa North Central Mindanao.
Ang mga nahukay na baril ay isasailalim sa technical evaluation at cost valuation sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga nakabaong mga baril ay makakatanggap ng tulong-pinasyal at livelihood assistance.| ulat ni Cocoy Medina| RP1 Cagayan de Oro