Tone-toneladang basura ang naiwan ng mga deboto sa ilang lugar sa Maynila sa katatapos na Traslacion 2024.
Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot na sa 86 toneladang mga basura ang nakolekta simula January 6 hanggang January 10.
Ito ay katumbas ng 20 truck ng mga basura.
Kabilang sa mga nakolekta basura ng MMDA ay mga styrofoam, pagkain, at mga bote.
Ito ay sa kabila na rin ng panawagan ng ahensya ng disiplina sa mga deboto, may ilan pa ring pasaway na nag-iwan na lang basta ng kanilang mga basura.
Samantala, puspusan pa rin ang ginagawang paglilinis ng MMDA sa mga lugar kung saan ginawa ang iba’t ibang aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno.
Natanggal na ang see-thru fences, tents, at orange barriers na ginamit sa ‘Pagpupugay o ‘Pahalik’ sa Quirino Granstand na nagsilbing mga barikada para sa maayos na pila ng mga deboto na nagpunta sa lugar. | ulat ni Diane Lear