Tinatayang umabot na sa bilang na 1,060,980 ang kabuuang bilang ng mga Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Registrants sa 10 probinsya ng bansa, ayon sa huling tala.
Ibig sabihin umabot na sa higit isang milyon na rin ang ang mga naging benepisyaryo ng programa na layong mas ipaabot sa mga mamamayang Pilipino ang samu’t saring mga serbisyo ng pamahalaan.
Pero inaasahan pang tataas ang bilang na iyan lalo na ngayong araw dahil patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at isa na nga rito ay isasagawa sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Qurino Grandstand.
Ilan sa mga aktibidad na gagawin sa BPSF sa Quirino Grounds ay kinabibilangan ng pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), asahan din ang mga serbisyo mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Statistics Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Pag-Ibig Fund, kasama rin ang mga alok na tulong mula Social Security System (SSS), Philippine National Police (PNP), at sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sa mga nais makilahok, maaaring magparehistro sa website ng BPSF sa pagbisita sa https://www.bagongpilipinastayo.com. | ulat ni EJ Lazaro