Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na nakabiyahe na ang kanilang Flight PR424 patungong Tokyo sa Japan via Haneda Airport.
Ito’y matapos pansamantalang masuspinde ang naturang biyahe dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines Flight 516 sa runway ng Haneda Airport, dahilan upang hindi muna ito tumanggap ng mga paparating na biyahe.
Batay sa inilabas na abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), maliban sa PAL ay hindi na rin pinayagang makalipad ang Japan Airlines Flight JL78 na dapat sana’y aalis ng alas-11:20 kagabi sublit nakaalis din makalipas ang 10 minuto.
Diverted din ang biyahe ng All Nippon Airways Flight NH870 na una nang umalis ng Pilipinas alas-2:50 kahapon ng hapon sa Kansai Airport sa Osaka.
Batay sa ulat, naapula na ang sunog na sumiklab sa Japan Airlines kung saan, lima ang nasawi habang nasa ligtas naman na kalagayan ang 379 na mga pasahero nito. | ulat ni Jaymark Dagala