Isa-isa nang nagsidatingan dito sa Quirino Grandstand ang mga cabinet secretaries.
Ilan sa mga early birds sina DENR Sec. Antonia Loyzaga, DOTr Sec. Jaime Bautista, DPWH Sec. Manny Bonoan at Vice President and DepEd Sec. Sara Z. Duterte.
Ayon kay VP Sara, matatag na mga mag-aaral ang huhubugin ng DepEd para sa isang Bagong Pilipinas bilang pakikiisa sa Bagong Pilipinas.
Science-based na pangangalaga sa kapaligiran ang isusulong ng DENR para sa Bagong Pilipinas ayon kay Sec. Loyzaga.
Para sa DOTr, pagsusulong sa PUV modernization at pagtatapos sa mga transportation infrastructure ang kanilang ambag para sa isang Bagong Pilipinas, ayon kay Sec. Bautista.
Habang pagsasaayos ng mga kalsada at tulay, atas ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa DPWH para makamit Bagong Pilipinas.
Dumating na rin si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na nagpasalamat sa mga Pilipinong nakibahagi sa kick-off rally na umaga pa lang ay nandito na aniya sa Quirino Grandstand.| ulat ni Kathleen Forbes