Mga cacao farmer sa Agusan del Sur, nakatanggap ng farm tools sa DTI Agusan del Sur sa pamamagitan ng Rapid Growth Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 70 cacao farmer mula sa tatlong barangay sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur ang nakatanggap ng gamit o tools sa pagsasaka sa isinagawang pamamahagi nitong nagdaang Lunes.

Pinangunahan ito ng Rural Agri-Enterprise Partnership for Inclusive Development o RAPID and Growth Project ng Department of Trade and Industry (DTI) Agusan del Sur.

Sa ilalim ng Cacao Detailed Investment Plan, benepisyaryo ang 22 miyembro ng San Lorenzo Integrated Farmers Association; 22 mula sa Mabuhay USAD Beneficiary Farmers Association,  at 26 naman mula sa Union Women Mikit.

Ang RAPID Growth Project ay aktibong sumusuporta sa mga farmer-beneficiaries para madevelop ang kanilang kakayahan sa pagtanim ng cacao sa pamamagitan ng value-adding activities gaya na lamang ng pamamahagi ng farm inputs, boosting efficiency, at magpatuloy ang community farming.

Layon ng naturang proyekto na pagtibayin ang rural value chains at ma-promote ang agro-enterprise development sa pamamagitan ng pag-empower sa mga magsasaka.

Inaasahan din na makakaambag ito sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa buong Caraga Region. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan

Photo: DTI Agusan del Sur

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us